Himagsikang Pilipino 1896

Himagsikang Pilipino 1896

Ang Himagsikang Pilipino ay nagsimula noong 1896, ito ay isang madugong pakikibaka ng Pilipino laban sa mga Espanyol. Ito ay isang anti-kolonyal na sikretong organisasyon. Ito ay pinangunahan ng Supremo ng Katipunan na si Andres Bonifacio y De Castro.


Pagkatuklas ng Katipunan. 

https://www.phillife.co/kkk-operations-philippines/
Natuklasan ang katipunan noong Agosto 19, 1896. Nabunyag ito dahil lamang sa hindi pagkakaunawaan ng dalawang manggagawa sa Diario De Manila. At ang dalawang katipunero na si Apolinario Mabini at Teodoro Patino. Binanggit ni Patino ang Katipunan kasama sa kanyang kapatid na si Honoria na nagtatrabaho sa ampunan sa Mandaluyong. Sinabi ni Honoria sa kanyang kapatid ang nalaman niya kay Sor Teresa De Hesus. Isang madre sa orphanage. Mabilis na ipinagtapat ni Patino kay Padre Mariano Gil ang kaniyang natuklasan tungkol sa Katipunan. Mabilis na sumalakay ang mga Guwardiya Sibil sa Diario De Manila. Nang malaman ng mga Espanyol tungkol sa katipunan, agad nilang sinimulan na arestuhin ang mga Pilipino at patuloy silang pinilit at pinahirapan upang matukoy kung sino ang pinuno ng katipunan.


pinoy kollektor
 
Agosto 23, 1896 (Pagpunit ng Cedula)

Nagtungo ang mga Katipunero sa bahay ni Juan Ramos, (anak ni Melchora Aquino) sa Toro, Quezon City, upang magpulong. Napagdesisyunan doon sa inisyatiba ni Andres Bonifacio na simulan na ang Rebolusyon. Sabay-sabay nilang pinunit ang Cedula at sumigaw na "Mabuhay ang Kasarinlan ng Pilipinas" . Ang pangyayaring iyon ay ang "Sigaw sa Pugad Lawin". At 'yon ang pagsisimula ng kanilang paghihimagsik.


Agosto 30, 1896 (labanan)

esquiremag.ph
Isang mahalagang labanan ang naganap sa pagitan ng mga Katipunero at Espanyol sa pabrika ng "Pulbura" sa San Juan Del Monte. Lumaganap ang paghihimagsik sa probinsya ng Maynila. Dahil dito naghimagsik si Gobernadol heneral Ramon Blanco. 


Agosto31, 1896


Nanalo ang koponan ni Emilio Aguinaldo sa pagkikipaglaban nila sa mga Espanyol sa isang lugar sa Cavite. Si Aguinaldo ay naging kasapi ng Katipunan noong
1985, at pinamunuan ang pag-aalsa sa Cavite. 

wikimedia.org

Setyembre12& Desyembre  30 1896

Maraming Pilipino ang nagbuwis ng kanilang buhay sa paghihimagsik. Ang ilan sa kanila ang 13 na Pilipino na binansagang "Trece Martires". Bago matapos ang taon si Dr.Jose Rizal ay binaril sa Bagumbayan na ngayon ay tinatawag na Rizal Park.

Tejeros Convention


Habang nagkikipaghimagsik ang mga Pilipino laban sa mga Espanyol, ay nagkaroon ng patuloy na hidwaan sa pagitan ng mga Katipunero sa Cavite. Naging tanyag ang lugar ng Cavite dahil sa pagkapanalo ng mga mangrerebelde. Ang Cavite ay pinangunahan ng dating Presidente na si Emilio Aguinaldo. Sa panahol ng Rebolusyon, nakilala siya, nagtagumpay siya sa puwersa ng mga espanyol. Pinangunahan ito ni
Heneral Ernesto De Aguirre. Bagamat hindi maiwasang magkaroon ng hidwaan ang kanyang pagkapanalo. Kaya't nahati ang mga mangrerebelde sa 2 grupo. ito ay ang pangkat "Magdalo" at "Magdiwang". 

filipiknow.net 
Upang ayusin ang magkabilang grupo, pumunta sa Bonifacio sa Imus upang makipagpulong ngunit walang napagkasunduan doon. Gumawa ng bagong pagpupulong si Bonifacio, tinawag itong "Tejeros Convention" noong Marso 27, 1897. Nakapagsunduan ng kumbensyon na bumuo ng bagong pamahalaan na papalit sa Katipunan. Ito ang "Rebolusyonaryong Pamahalaan". Sumang-ayon din na maghalal ng bagong pinuno sa kasunduan na walang tututol sa buhay at may pinag-aralan kung sino man ang mahahalal. Pinangunahan  ni Bonifacio ang pagpupulong na ito. Bagama't wala si Aguinaldo sa kumbensyon dahil abala siya sa pakikipaglaban sa mga Espanyol. Ang iba pang nahalal na opisyal ay ang sumusunod: Mariano Trias bilang pangalawang pangulo, Artemio Ricarte bilang kapitan heneral, Emiliano Riego de Dios bilang director ng pandigma, at Andres Bonifacio bilang director ng panloob. Nakuha ni Bonifacio ang mababang posisyon. Tinanggihan ito ni Daniel Tirona, na labis na ikinagalit ni Andres. Kaya't pinawalang bisa niya ang pagpupulong at umalis sa kumbensyon kasama ang kanyang asawa at kapatid. Pagkatapos ng kumbensyon sa Tejeros ay naglabas si Bonifacio ng 2 kasulatan.  Ito ay ang Acta De Tejeros na nagpapawalang bisa sa halalan sa naganap sa Tejeros. Ang ikalawa ay ang Naik Military Government. nagtatag ng isang bagong natatanging pamumuno sa itinatag na Tejeros. 


Kinahatnan ni Andres Bonifacio  

wikipedia.org

Noong Marso 22, 1896 nanumpa si Emilio bilang isang pangulo na bagong itinatag na Rebolusyonaryong Pamahalaan. Bilang pangulo ay ipinag-utos niyang arestuhin si Bonifacio. Ito ay pinangunahan ni Koronel Agapito Bonzon. Sa panahon ng pag-aresto, ang kaniyang kapatid na si Ciriaco ay namatay. Habang si Bonifacio at Procopio ay idinala sa Naik. Ang kanilang kaso ay  pagtataksil at paglalaban sa pamahalaang Aguinaldo. Mabilis na hinatulan ng pagkamatay ng magkapatid na Bonifacio noong Mayo 8, 1897. Noong Mayo 10, 1897 isinagawa na ang parusa sa magkapatid. Pinangunahan ni Lazaro Makapagal, Sila ay pinatay sa Maragodon Cavite at doon na din sila inilibing. 


Biak na Bato

https://www.britannica.com
Sa kabila ng magiting na pakikibaka ng mga Pilipino laban sa puwersa ng mga Espanyol, ay nabigo sila sa maraming laban nito. Dahil dito inilipat ni Emilio sa sentro ang kanyang pamumuno sa Biak na Bato. San Miguel De Mayumo Bulacan. Ito ang ang nagsilbing muog ng rebolusyonaryong gobyerno. Dito ang Republik ng Biak na Bato  noong Nobyembre 1 1897Inihanda rin ang isang saligang batas na ibinatay sa Saligang Batas ng bansang Cuba. Sina Isabelo Artacho at Felix Ferrer ang nanguna sa pagbalangkas ng Saligang Batas ng Biak-na-Bato. Nanatiling pangulo ng Republika ng Biak-na-Bato si Emilio Aguinaldo. Nagtagal lamang ng ilang buwan ang nasabing republika.
 
Kasunduan sa Biak na Bato

https://www.filipinoamericanwar

Habang nasa Biak-na-Bato si Aguinaldo at kaniyang mga opisyal ng Republika ng Biak-na-Bato ay nagsimulang mamagitan si Pedro Paterno upang magkaroon ng kasunduan sa pagitan nina
Pangulong Aguinaldo at Gobernador Heneral Fernando Primo de Rivera. Noong Disyembre 15, 1897, nilagdaan ng dalawang magkalabangPanig ang Kasunduan sa Biak-na-Bato. Unawain ang nilalaman ng nasabing kasunduan. Naging mapaghinala ang mga Pilipino at Espanyol sa tunay na motibo ng isa’t isa sa paglagda ng kasunduan. Maraming Pilipinong maghihimagsik ang nagpatuloy sa kanilang pakikipaglaban sa mga Espanyol. Hindi rin naibigay ang mga halagang napag-usapan sa kasunduan maliban sa 400,000 piso na dala ni Aguinaldo palabas ng bansa. Noong Disyembre 27, 1897 ay lumayag na patungong Hong Kong si Aguinaldo at mga kasamahan. Sa kabila ng kawalan ng pangulong mamamahala sa mga Pilipino ay ipinagpatuloy pa rin nila ang pakikipaglaban.




Mga babae sa Katipunan

philararchieve.org
Ang kababaihan noong panahon ng himagsikan ay may mahalagang partisipasyon. Nagpakita sila ng katatagan sa kabila ng pag-alis ng kani-kanilang asawa upang lumahok sa mga labanan. Ang ilan sa kanila ay nagsilbing tagapag-tago ng mahahalagang dokumento o kasulatan. Naging mahusay na maghihimagsik din sina Gregoria Montoya na kinilala bilang “Joan of Arc ng Cavite” at Agueda Kahabagan bilang nag-iisang babaeng heneral at kinilala bilang “Joan of Arc ng Laguna”. Si Trinidad Tecson ay kinilala bilang “Ina ng Biak-na-Bato” na nangalaga sa mga sugatang Pilipino noong himagsikan.


                                                              
    Factual & Non-Factual about Philippine Revolution

tumblr.com



- Andres Bonifacio.                                    
-Fact
- He's the one who made the Katipunan and the one who always fought to Spaniards just to achieve our Freedom. He's also the last President in Katipunan.











wikipedia.org

  -Emilio Aguinaldo

- Fact

- He's the president in Tejeros and considered 

as the 1st president of the Philippines.

redtac.org




- Dr. Jose Rizal
- Fact
- He is our National Hero and he's the one who wrote the famous books titled Noli Me Tangere 











xiaochua.net



- Daniel Tirona
- He didn't rejected Andres Bonifacio to have the position.
- Non-Fact
- He rejected Andres just because he didn't came for a rich family and ill educated.











wikipedia.org




-Pedro Paterno
- He didn't say anything about the katipunan to Father Mariano Gil.
- Non-Fact
- He tells every details about katipunan to Father Mariano.





Mga Mabubuting Pasya ni Gat Andres Bonifacio

-Pagtatag ng Katipunan, siya ang lumaban para sa ating minimithing kalayaan.

-Pagkakalap ng mga kasapi gamit ang sistemang tatsulok, upang masiguragong walang traydor sa mga kasapi ng Katipunan.

-Pagsasagawa ng mga pulong upang mapagisipan ng mabuti ang mga gagawin at makuha ang mga opinyon ng ibang kasapi.

- Pinatiling liham ang Katipunan upang makapaghanda sa paghihimagsik laban sa mga espanyol.


                                                           Description!

This blog is only for students who needs information about Philippine Revolution. Do not share/post this just for nothing. if you're gonna share it, please give proper credits to me. Always follow our rules in netiquette also called as etiquette. 

                                         What is Netiquette

Netiquette represents the importance of showing proper manners and behavior through online. Netiquette is also called as etiquette , it is full of rules/,community guidelines that we have to follow. 

                                        following Rules;

      - Always give proper credits to the owner.
      - Do not share fake news in any medias or websites.
      - Always fact check! search in websites before posting/sharing.
      -Stay in our limits/censor our self.
      - Avoid doing cyberbullying. 


                            Viva la independencia de Filipinas!
      

Comments

Post a Comment